Filipino 10
(Ikalawang Markahan)
- Si Pele,Ang Diyosa ng Apoy at Bulkan
-"Isang maganda at mahalagang biyaya ang magkaroon ng kapatid kaya't ugaliin nating mahalin sila palagi upang ito ay magdulot ng isang matatag at masayang pamilya."
-"Magandang magbasa ng Mitolohiya dahil ang mga magagandang bagay mula dito ay maaari pa nating maibahagi sa mga susunod na henerasyon.May taglay itong mabubuting aral at tungkulin din nitong palawakin pa ang ating imahinasyon."
- Pokus ng Pandiwa (Tagaganap at Layon)
-Halos karamihan sa mga estudyante ay nahihirapan sa mga pokus ng pandiwa,kung paano ba ito tukuyin o paano ito gamitin sa isang pangungusap.Oo nga't pagdating natin ng kolehiyo,hindi na natin ito mapag-aaralan pa pero kahit ganon ang mangyari,mahalaga pa rin ito sa pag-aaral natin nang sa ganon maturuan natin ang mga bata sa susunod na henerasyon ng ganitong uri ng pandiwa.
- Macbeth-William Shakespeare
-Ugaliin nating huwag laging maghangad ng labiis na kapangyarihan para lang sa ating pansariling kagustuhan dahil maaari itong magdulot sa isang tao na gumawa ng kasamaan tulad ng makapanakit ng iba,maaaring maging masama din ang maidulot ng pagkakaroon ng mataas na ambisyon sa buhay,ugaliin nating maghangad ng ambisyon ng tama lamang at sa tingin mo ay magdudulot ito sa iyo ng magandang kinabukasan.
- Mga Uri ng Dulang Pantanghalan ayon sa anyo.
-Sa kasalukuyan,marami pa rin ang nagsasagawa ng mga dulang pantanghalan.Mahalagang maunawaan natin ang iba't ibang anyo at mga elemento nito upang sa paglaki natin,hindi natin ito malimutan at maaari itong mabuhay muli at gawin ng susunod na henerasyon lalo na ng mga estudyante.
- Pokus ng Pandiwa (Pinaglalaanan at Kagamitan)
-Hindi madaling pag-aralan ang mga pokus ng pandiwa,ang dalawang uring ito ay kapupulutan natin ng aral hindi lang sa asignaturang Filipino,pero pati na rin sa totoong buhay,halimbawa,ang "Pinaglalaanan",kung ihahambing sa totoong buhay,lahat tayo ay may pinaglalaanang oras sa mga bagay-bagay pero mas mahalaga kung mas pinaglalaanan natin ang oras ang ating diyos."
- Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan-Nathaniel Hawthorne
-Mahalagang suriin natin ng maaga ang gusto nating pangarap sa buhay para pagdating ng panahon hindi masira ang ating kinabukasan.Sa Kwento,sinabing ang pagiging sundalo ay napakhirap kasi maari nitong isakripisyo ang iyong buhay sa mga bakbakang nangyayari, maaari kang mahiwalay sa mga mahal mo sa buhay.
- Ang Tula at mga Elemento nito
-Maraming elemento ang tinataglay ng tula at isa na dito ang Tugma,Tugma,hindi lamang natin ito magagamit sa pag-aaral,kundi maging sa totoong buhay,ano nga ba pag sinabing tugma ?,hindi ba't pagkakapareho ng kahit anung bagay,kailangan nating maging angkop sa buhay,makisama tayo,makihalubilo,matututong isaayos ang sarili,upang maging patuloy lang sa agos ng buhay.Sukat kung sa tula sinasabing ang sukat ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod,hindi ba napapansin nating binabalanse ang sukat,sa buhay,kailangan din nating i-balanse ang atin sarili,wag masyadong ibigay ang sobra-sobra kundi dapat pantay pantay sa bawat bagay.Sakno ito ang pagpapangkat ng mga taludtod,tulad ng saknong kailangan natin pagpangkat-pangkatin ang bawat gawain sa buhay,ganoon ay makadaragdag din ito sa balanse at maayos na takbo ng ating oras.Larawang-diwa,nag-iiwan ito ng malinaw at tiyak na laarawan sa isipan ng mambabasa,parang pag-ibig may mga bagay talagang makakapag-pakita nalang sa atin ng mga larawan na siyang makakapagpa-tiyak ng ating kasiguraduhan o katotohanan.Simbolismo ito yung malimit makapag-bigay sa atin ng mensahe,minsan may mga simbolo na pala tayong nakikita,dahil malimit sa tao ay nag-bubulag-bulagan,ayun sayang. Kariktan sa tula ito ang makapagsasabi kung ganap nabang tula ang isang tula,tayong tao din ay may tinatagong halaga,na siya namang hindi natin nakikita.
- Matatalinhagang Pananalita
Nangunguna rito ang idyoma,kung saan ito ay mga salitang binubuo ng mga pangyayari sa buhay,na higit na may mas malalim pang kahulugan,kagaya nalang nating mga tao,malimit tayong magkamali ng akala tungkol sa ating nakikita,minsan kung maari alamin muna natin ang nakalalalim nitong mga buhay o pag-uugali,para di tayo magkamali.Isa pang uri ng matatalinghagang pagpapahayag kung ay ang mga tayutay na kung saan sadyang lumalayo ang nagpapahayag sa karaniwang paraan ng pagsasalita,halimbawa nito pagtutulad at pagwawangis,ito yung masakit eh,yung pilit itinutulad sa bagay na hindi naman talaga ikaw,pagmamalabis,parang pag nagmamahal ka,labis na labis,samantalagang ang balik sayo kulang na kulang (hugot),pagpapalit-saklaw,pag-banggit sa bahagi para sa pagtukoy ng kabuoan,para bang mas pinili mong mag-paligoy-ligoy pa,pagbibigay-katauhan,ito yung pilit mong binibigyan ng buhay ang mga bagay na di naman talaga magkaka-buhay,parang puso,(hahahahaha),pagtawag,pakikipag-usap sa mga sa karaniwang bagay na malayo o wala na,para bang pilit mong tinatawag na ang nakaraan,pag-uyam o pang aasar or pagiging sinungaling hahaha.
- Ang Kwento ng Isang Oras-Kate Chopin
Sabi ng libro "Sa pagitan ng babae at lalaki ay kailangang pairalin ang pag-galang.Hindi maaaring dominahan o ituring na pag-aarri ang isang nilalang"
Pero sa akin,ang natutunan ko sa kwentong ito ay ang bigyan halaga ang oras kasama ng pagpapahalaga sa taong nakalalapit na sa iyo,kahit na anung sakit ang naiidudulot nito sa iyo,di tamang pag-isipan agad ito ng nakasasama,matuto tayong umasa sa mga bagay na di maaasahan.
- Pagsulat ng maikling kwento
1.Isang mahusay na paksa o ideya para sa iyong kuwento,kumbaga sa pag-ibig marapat na pag-isipan ang bawat galaw,upang sa ikagaganda ng pagsasama.
2.Makatotohanang tauhan,kailangan hindi puro pagpapakitang tao,maging makatotohanan din tayo(hahahahahahah)
3.Angkop na tagpuan,Maayos na lugar,hindi yung sa mga tabi mo lang ura-uradang hihilahin,dapat dun sa tingin mong maganda ang makikita o ang makakakita.
4.Uri ng pananaw,kailangan pag-bigyan nyo ang isa't isa ng maayos na pagkakakilanlan o pagkakaintindihan.
5.Epektibong Banghay,dapat maayos at naaayon sa maganda at tamang pagsasama ang babagsakan ninyo,para masaya lang walang tapos.
6.Balangkas/Buod,ito yung muli nyong babalikan ang nakaraan ninyong pagsasama,para mas maintindihan pa ito.
- Pokus ng Pandiwa(Sanhi at Direksiyonal)
Sanhi,ang paksa o simuno ng pangungusap ang sanhi sa kilosisinasaad ng pandiwa,o hindi kaya ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng taong mahal natin ang ating naaalala. Direksiyonal ang direksiyon ang kilos ng pandiwa,kumbaga kahit alam na nating mali ang patutunguhan,pilit padin nating itinutuloy.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento